Like what the title suggested “Just want to Start,” naisip kong magsimula ng sarili kong blog without any purpose in particular. I’ve been thinking of creating one couple of months ago ng makita ko ang ilan sa mga blog ng kakilala ko pero lagi na ay naroon ang hesitation. Ano naman ang ilalagay ko kung magsisimula ako ng blog? I’ve so much things to do, lalo na pagdating sa pagsusulat because, eherm… writing is what I consider as my bread and butter.
Oh, yes! Now I remember hindi ito ang trabahong pinangarap ko o mas tamang sabihing naisip kong pagkabuhayang gagawin ko sa buhay ko. I’ve been a romance novels addict since I was in my first year high school. Mahilig na rin akong magbasa ng elementary pa lang ako dahil kinaaaliwan kong basahin ang mga kuwento sa mga text books. So there, I was 12 years old when I saw a classmate reading a pocketbook. Excited that I was, I asked if I could borrow one of her books. Hindi naman kasi kami close dahil kasisimula pa lang `ata ng school year noon at naalala ko lang ang mukha niya bilang isa sa mga classmates ko. So there, lakas-loob akong nanghiram sa kanya. Sobrang bagal ko pa noong magbasa, isang araw o mahigit pa bago ko natapos iyon. After I finished reading, siyempre, ano pa nga ba? Makapal ang mukhang nanghiram pa ulit ako hanggang sa araw-araw na lang nanghihiram na ako sa kanya. Iyon na ang simula ng kaadikan ko sa pocketbook.
Pagkatapos noon, kung sinu-sino na ang nahiraman ko. I even got friends sa isa kong classmate ng malaman kong meron din siyang mga pbs. Tapos, may isa pa akong naging kabarkada na hindi naman talaga nagbabasa n’on but when I lend her, naadik din. I could just remember the days na hindi `ata ako mabubuhay ng walang binabasa. Maupo lang sa corridor habang naghihintay na matapos ang vacant period (na sobrang ipinapanalangin kong magtagal pa), eh, komportable na. Kahit oras ng klase, nakaipit ang pb sa pagitan ng notebook at pasimpleng nagbabasa dahil mas gusto pa iyon kaysa makinig sa maestra(I know, I sounded like a model student;D).
Nang mga panahong iyon, wala pa akong paki kung anong title ng binabasa ko, na iba-iba ang tatak niyon o kahit nga kung sino ang author niyon. Basta masaya lang ako sa pagbabasa. Then I noticed this particular writer na sobrang nagandahan ako sa nabasa kong nobela niya. Nang mapagtuunan ko ng pansin ang pangalan niya, I realized may mga nauna na akong nabasa na gawa niya na sobrang na-feel ko ang plot. Since then, I looked for her works. Sadly by the time that I got hooked with those, hindi na yata siya nagsusulat. Sa mga papalitan sa palengke(yes, palengke ang sinuyod ko) na lang ako suwerteng nakakuha ng novels niya. She’s my one and only favorite author. Grabe, ang galing niya. Naaalala ko pa, may isa akong nabasa na sobrang naapektuhan ako ng isa sa mga scenes. I was deeply moved, feeling ko kasali ako doon sa kuwento. Even if the book was already worn out, tinago ko pa rin ang copy na iyon and read it all over again. Could you imagine how I was then? Kasi ako, natatawa na lang kapag naaalala kung paano ako gumagawa ng paraan noon na patagong magbasa since my mother didn’t want me to. Sobrang bawal dahil daw wala na akong ibang inatupag kundi magbasa.
Nang time na iyon, marami akong nabasa that brought that kind of feeling to me. Pero unti-unti, dumalang na iyon. I don’t know, maybe I’ve just read too many romance novels kaya ng nasa huling mga taon ako sa college, hindi na katulad na dati ang pagbabasa ko. I started to look for something sa pakiramdam na hindi na ako satisfied sa binabasa ko. Eh, hindi na talaga bumalik `yong interes ko kaya dumalang na ang pb na nahahawakan ko.
So who could have thought that an unexpected idea would enter my mind? Iyon ang mag-try na magsulat ng mga kuwentong prosa na nakahiligan at kinabaliwan ko noon. June 12, 2009, tanda ko pa talaga, hindi ba? Haha! I woke up with my eyes still closed, biglang pumasok sa isip ko ang tungkol doon sa paanyaya ng isang publishing house na nakalagay sa pahina ng mga pocketbooks nila. Bakit nga ba hindi ko subukang magsulat at magpasa ng nobela? Isa lang ang dahilan ko noon, kailangan ko ng pera.
I was a fresh graduate, ilang buwan na ring naghahanap at sumusubok mag-apply ng trabaho. Eh, wala talaga at hindi ko maiwasang isipin na parang wala ng pag-asang makahanap ka pa. Kaya iyon, kaya siguro pumasok ang ideyang iyon na hindi ko kailanman naisip noong mga panahong hook ako sa pocketbook. I once tried writing a story pero para sa sarili ko lang, hindi `yong ipapasa ko para pagkaperahan na hindi ko rin naman itinuloy.
Iyon nga, dali-dali na akong bumangon dahil sa excitement na umpisahan ang pagtatangkang iyon ng sa ganoon ay magkaroon na ako ng anda. My first MS took me a month before I finished writing. Tyinaga ko pa iyon sa pagpunta sa pinakamurang computer shop because I don’t have a computer that time. Pinasa ko siya sa email ad nila ng may kaba. Pero dahil ayaw kong masyadong pakaisipin iyon, nagsimula ako ulit ng panibagong maisusulat na istorya. Anong nangyari sa MS na iyon???
Hmm…napahaba na pala ang aking pagsisimula. `Til the next blog na muna(~.-)
11/23/2011 11:50:00 AM |
Category:
Writing
|
0
comments
Comments (0)