Finally, out na ang first book sa aking hindi sinasadyang series! Yup, I didn’t intend to have a series when I came up with the plot of Your Heart’s Under Arrest. The hero here was supposed to be a police. Iyon lang, haha! Wala dapat siyang action scenes ng mabuo ko ang story sa isip ko pero alam ko ng gagawan ko ng story ang kaibigan ng heroine ko dito.
But when I started writing this, the idea for the fight and action scenes popped in my mind, telling me that I must create that for the story to be interesting(well, that’s to my opinion). So, the idea for Love, Camera, Action! Series was born. Apat na kuwento lang ang una kong naisip habang sinusulat ko ang kuwentong ito. Pero dahil nanganganak pala talaga ng mga ideya habang nagsusulat ang isang writer, nabuo ang iba pang characters sa serye na mabuti na lang, pasok sa banga para maidagdag ko.
But when I started writing this, the idea for the fight and action scenes popped in my mind, telling me that I must create that for the story to be interesting(well, that’s to my opinion). So, the idea for Love, Camera, Action! Series was born. Apat na kuwento lang ang una kong naisip habang sinusulat ko ang kuwentong ito. Pero dahil nanganganak pala talaga ng mga ideya habang nagsusulat ang isang writer, nabuo ang iba pang characters sa serye na mabuti na lang, pasok sa banga para maidagdag ko.
Naalala ko na namang grabeng frustration ang dinanas ko dito pati doon sa kasunod na book. Not because I had a difficult time writing those. Actually, feeling ko, forte ko ang mga ganitong tipo ng kuwento. I got frustrated, last year, November iyon nagsimula `cause before this, na-reject ang MS na pinasa ko. Ay, hindi pala. Para lang siya sa major revision pero masyado akong nanggipuspos sa result kaya hindi ko siya tinangkang ayusin bukod pa sa tingin ko eh, major overhaul talaga ang kailangan kong gawin para doon.
Palapit na ang Pasko at wala akong pera. I was also pressured and I was hoping that this story would be approved before the holiday vacation starts. Eh, kaso nahingan ako ng minor revisions para dito, as in maliit lang talaga. Hindi agad siya na-reevaluate at ng sumunod na taon(2011) pa ulit ako nakatanggap ng feedback. Just imagine how I was so broke that holiday season. Ano pang ginawa ko, kundi nganga! Haha. Pero lipas na iyon, nagtanda na ako na ayusin ang trabaho ko at bilisan. (I still am contemplating if I really got my lesson well when it comes with the latter).
Bottom line of this blog entry: lumabas na rin ito na almost one year ko ding hinintay. All was paid off; the cover was so nice and beautiful, makakatulong kahit paano sa sale, hehe! Credits to those who made this at kahit huli na, doon sa video na sobrang nag-arouse ng curiosity ng mga readers. Ang ganda rin. (By the way the guy was so gorgeous; I used it as my profile pic. But he’s nothing compare to the hotness of my love, Lee Dong Wook(~0~)). Of course thanks to the publisher and mostly, to my editorJ
“Ayaw mong magkasama tayo sa kuwarto. Nag-aalala ka bang baka mawala ka sa sarili mo at gapangin mo ako?”
Sa kagustuhan ni Madeline na damayan ang kaibigan niyang iniwan ng nobyo nito, napahamak siya dahil isang gay bar pala ang napasok nila ng sundan nila ang ex-boyfriend nito. Kamalas-malasang naroon sila ng i-raid ang bar.
Dagdag pa sa malas nang malaman niyang ang antipatiko at maangas na kapitbahay niyang si Albert ang leader ng mga NBI agent na nag-raid ng gay bar. Ito pa mismo ang nakahuli sa kanya. Para hindi siya madawit sa eskandalo at kontrobersiya ay pumayag siyang pumapel na nobya nito. Pinalabas nito na sinundan niya ito sa pinangyarihan ng raid dahil sa selos.
Sa kabilang ng utang-na-loob niya rito, ginawa pa rin niya ang lahat upang ipagtabuyan ito. She hated his guts because he was one of those men in uniform she hated. She knew his kind and she didn’t want to be associated with him.
Ngunit kung bakit lumalayo na nga siya rito ay para naman siyang itinutulak palapit dito ng sitwasyon. Bigla kasi ay may taong nagtatangka sa kanyang buhay at to the rescue na naman ito. In-appoint nito ang sarili na tagapagligtas niya.
Soon, she found herself depending on him. His undivided attention and lethal charm tore her defenses to shreds. Wala siyang nagawa kundi magpatangay sa agos ng pang-aakit nito.
Ang akala niya ay kanyang-kanya lang ito. Pero mali siya. Kanya lang pala ito hangga’t hindi natatapos ang kaso niya…